HINAING NG MGA GURO SA GSIS, AKSYUNAN NA, NGAYON NA!!!!


Mahigit na sa dalawang buwan ang nakaraan nang mag-mass delegation at makipag-dayalogo tayo sa Malakanyang noong ika-3 ng Septyembre upang idulog kay President Noynoy Aquino ang ating mabibigat na problema hinggil sa GSIS. Hindi tayo hinarap ni PNoy at sa halip mga opisyales ng GSIS at Department of Education ang kanyang inutusan upang harapin tayo. Walang malinaw na aksyon hinggil sa ating mga iniharap na hinaing tulad ng mga sumusunod:

Walang malinaw na aksyun hinggil sa ating mga iniharap na hinaing tulad ng mga sumusunod:

1. Mag-appoint ng tunay na representante ng public school teachers, kawani ng gobyerno at mga retirees sa Board ng GSIS. 41% ng miyembro ng GSIS ay mga guro at kawani sa sektor ng edukasyon kaya nararapat lamang na magkaroon sila ng representante sa Board. Si France Castro, Secretary General nga ACT at Presidente ng Quezon City Public School Teachers ang ating rekomendasyon para dito.
2. Kagyat na pag-refund ng mga illegal na kinaltas ng GSIS mula sa mga miyembro nito. Ang isang halimbawa nito ay ang Government share ng July 1997 to December 1998 na binawas sa mga miyembro ng GSIS.
3. Ibasura ang mga polisiya ng Premium-based at Claims and Loan Interdependency Program (Clip) na nagpapahirap sa mga miyembro nito.
4. Imbestigahan si Winston Garcia at mga kakutsaba nito sa tamang paggamit ng pera ng GSIS at sa pagpapatupad ng mga illegal na polisiya ng GSIS na nagbunga ng paghihirap ng mga miyembro nito.
5. At ang pagbasura ng mga kasong libelo na sinampa ni Winston Garcia sa ACT Chairperson at ngayon ay Kongresista na na si G. Antonio Tinio dahil sa pagpuna niya sa mga hindi-makatarungang polisiya ni Garcia.
At bago pa tayo tumungo sa dayalogo na ito, nakipag-usap na tayo sa bagong Chariman of the Board ng GSIS, si G. Daniel Lacson. Dahil sa nakita ni Chairman Lacson kung gaano kabigat ang mga problema natin sa GSIS, bumuo sila ng Deped na isang panel kung saan nakaupo ang GSIS at DepEd. Naging plano nito ang paggawa at pagpirma sa isang Memorandum of Understanding na ang pangkalahatang laman ay ang walang katapusang pag-a-update ng ating mga records hanggang sa ika-15 ng Disyembre, 2010.
Pinirmahan itong Memorandum of Understanding na ito noong Oktubre 4, 2010 at ito ang inihandog ni President Aquino para sa mga guro noong World Teachers Day.

Hindi tayo natuwa sa laman ng naturang Memorandum of Understanding dahil sa walang konkretong aksyon sa ating kagyat na kahilingan na itigil at ibasura ang tuloy-tuloy na implementasyon ng premium based policy at CLIP at pag-refund sa mga sobra at illegal na kinaltas sa atin.

Magpahanggang ngayon, wala pa tayong tugon na “substantial” na nakukuha bilang kasagutan sa ating mga demands. Kung tutuusin, kayang ipatupad ito sa loob ng unang 100 araw sa panunungkulan ni Pangulong Aquino. Isang “Executive Order” lamang mula sa Malakanyang ay kaya nang pagtibayin ang lahat ng ito. Subalit nanatiling bingi si PNoy sa ating mga hinaing.
Panahon na para kumilos tayong muli. Kailangan ng ating sama-samang pagkilos para matapos na ang ating mga paghihirap na dulot ng mga polisiya at patakaran ng GSIS.
Kaya sa ika-26 ng Nobyembre, Biyernes, babalik tayo sa Malakanyang upang idiin kay PNoy na kailangang na niyang aksyunan ang ating mga hinaing sa GSIS. Magdadala tayo ng sample ng Executive Order na papipirmahan kay President Noy. Magkita-kita tayo sa harap ng Far Eastern University sa Morayta sa ganap na alas-dos ng hapon. Magsama ng pinakamaraming bilang ng mga kasamahang guro at kawani.

Ibasura ang Premium-Based Policy at CLIP!
I-refund kagyat mga illegal na kinaltas sa mga guro at kawani!
Imbestigahan at papanagutin si Winston Garcia at ang kanyang mga kakutsaba sa pagpapatupad ng mga illegal na polisiya at patakaran na naging dahilan ng paghihirap ng mga miyembro!
Magtalaga ng tunay na representante ng guro sa GSIS Board!
Ibasura ang 5 counts ng demandang libelo ni Winston Garcia kay Cong. Antonio Tinio ng ACT na nakasalang sa korte ngayon!

SOURCE: ACT PARTYLIST / QCPSTA

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s