Barangay Election


PAALALA: Sa Board of Election Tellers

     Sa mga gurong maglilingkod Board of Election Tellers ngayong Oktubre 25 Barangay Elections, aming ipinaaalala ang mga sumusunod:

1.Sa pagkuha ng election paraphernalia, dapat na matanggap ninyo mula sa inyong municipal/city treasurer ang P1,000 (kalahati ng kompen-sasyon para sa election service).

 2.Sa pagsauli ng paraphernalia dapat matanggap ninyo ang nalalabing P1,000 para sa kabuuan ng inyong kompensasyon.

 3.Mayroong ding nakalaang P200,000 death insurance coverage at reimbursement ng hospital expense na sumasaklaw sa buong panahon ng inyong paninilbihan sa eleksiyon.

4. Makakatanggap din kayo ng limang araw na service credit mula sa Depatment of Education. Ang mga nabanggit ay mga kongkretong kahilingang naipagwagi natin sa pakikipagharap ng ACT sa COMELEC at DepEd noong Oktubre 1 at 11, 2010.

      Ang usapin ng dagdag sa kompensasyon ay nakasalang na request sa Malakanyang noong pang Oktubre 14, 2010. 

      Ipinaaalala din sa ating mga guro na ang ACT Teacher’s Hotline ay bukas nang 24 oras upang tumanggap ng inyong mga ulat at sumbong hinggil sa anumang kaso ng panggigipit, karahasan at pandaraya na maaari ninyong maranasan sa eleksyon…

Source: Alliance of Concerned Teachers and QCPSTA

Tags:


%d bloggers like this: